Mayor Moreno, nagpasalamat sa mga nakiisa sa Traslacion 2020

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 09:10 PM

Nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga nakiisa sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon sa alkalde, taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga milyun-milyong deboto, Quiapo Church, mga vendor, pulis, city government at iba’t ibang ahensya ng gobyerno para maging matagumpay ang prusisyon.

Nagparating din ng pasasalamat si Moreno sa Poong Nazareno para sa patuloy na paggabay sa mga residente ng Maynila at mga bumibisita na nagpapahiwatig ng kanilang debosyon.

Umaasa ang alkalde sa patuloy na pakikipagtulungan ng lahat para sa mas maayos na lungsod.

Tumagal lamang ng 16 oras ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa taong 2020.

Pinakamabilis ito kumpara sa naitalang oras noong mga nakaraang taon.

TAGS: Manila Mayor Isko Moreno, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, Traslacion 2020, Manila Mayor Isko Moreno, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.