Bilang ng debotong nakiisa sa Traslacion 2020, umabot sa 2.5M

MANILA PIO PHOTO

Nadagdagan pa ang bilang ng mga debotong nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno.

Sa huling datos ng Manila Public Information Office bandang 8:19 ng gabi, tinatayang 2,500,000 deboto ang nakiisa sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Nasa 300,000 katao naman ang nasa Plaza Miranda sa simbahan.

Samantala, aabot naman sa 487 katao ang napaulat na nasugatan sa kasagsagan ng Traslacion.

Ang lahat ng nasugatan ay pawang nagtamo ng minor injuries lamang.

Read more...