Ipinagtanggol ng Palasyo ng Malakanyang ang ipinatupad na mahigit na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa pagdaraos ng Pista ng Itim na Nazareno.
Ilang deboto kasi ang hindi natuwa sa pagdadagdag ng itinalagang pulis sa Traslacion kabilang na ang pagbuo ng tinatawag na “Andas Wall.”
Inireklamo ito ng ilang deboto dahil nabawasan umano ang kanilang tsansa na makalapit sa Imahen ng Poong Itim na Nazareno.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mandato ng pambansang pulisya na magpatupad ng mahigpit na seguridad para sa kaligtasan ng mga makikilahok na deboto.
Layon lamang aniya nito na protektahan mula sa anumang panganib ang mga deboto.
MOST READ
LATEST STORIES