NBI, mag-iimbestiga sa pagpatay kay dating Batangas Rep. Mendoza at 2 iba pa
Magkakasa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbestigasyon sa pagpatay kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza at dalawang iba pa sa Tiaong, Quezon.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinag-utos na sa NBI ang pagtulong sa imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.
Tutulong din aniya ang forensic experts ng NBI para malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Matatandaang tatlong bangkay ang natagpuan sa sinunog na sasakyan sa isang tulay sa Barangay San Francisco, Huwebes ng madaling-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.