outbrain

Malaking discount, ibibigay ng PTAA sa pamilyang Filipino

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 08:11 PM SHARE(S):
Photo grab from http://traveltourexpo.ptaa.org.ph/

Magbibigay ng malaking diskwento ang Philippine Travel Agencies Association sa isasagwang 27th PTAA TravelTour Expo 2020.

Bibigyang pansin sa expo ang pamilyang Filipino.

Ayon kay PTAA President Ritchie Tuaño, ito ang pinakamagandang taon para makapagbiyahe kasunod ng mga inaasahang long weekend sa 2020.

“This is the best year to travel, given the long weekends published. International travel has also become affordable thus we expect, not only millennials, but also professionals to be active tourists,” ani Tuaño.

Ang tatlong araw na expo rin aniya ang isang paraan para magkaroon ng bonding at makabuo ng mga hindi makakalimutang magagandang alaala ang mga pamilya.

“We also want to encourage more Filipinos to travel as a family. After all, traveling is one of the best ways for a family to bond and rediscover each other. As you’re exploring new places, you have the chance to see you family members in a new light. Perhaps, it’s only when you travel that you get to see their fun side,” dagdag nito.

Idaraos ang expo na may temang “More > Real” sa SMX Convention Center, Mall of Asia (MOA) sa Pasay City mula February 7 hanggang 9, 2020.

Imbitado naman si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat para magbigay ng keynote address sa expo.

Inaasahang aabot sa mahigit-kumulang 400 exhibitors mula sa travel agency at tourism enterprise industry ang dadalo sa nasabing event.

Magkakaroon ng mahigit 1,000 booths na may alok ng aabot sa 70 porsyentong diskwento sa cruise lines, hotels, theme parks at airline fares.

P70 ang general admission fee kabilang ang mga bata at estudyante habang P50 naman sa mga senior citizen.

TAGS: 27th PTAA TravelTour Expo 2020, Philippine Travel Agencies Association, 27th PTAA TravelTour Expo 2020, Philippine Travel Agencies Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.