Bilang ng nasugatan sa Traslacion 2020, umabot na sa 251

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 06:20 PM

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nasugatan sa kasagsagan ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sa huling tala ng Manila Public Information Office (PIO) hanggang 6:00 ng gabi, nasa kabuuang 251 katao na ang napaulat na nasugatan sa Traslacion.

Lahat ng mga nasugatan ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Samantala, sa huling datos din ng Manila PIO hanggang 6:00 ng gabi, nasa kabuuang 2,150,000 deboto ang nakikiisa sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Nasa 200,000 katao naman ang nag-aabang sa Quiapo Church.

Sa abiso ng mga otoridad, inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga deboto sa simbahan sa mga susunod na oras.

Samantala, bumaba na sa 2,000 ang bilang ng mga tao sa San Sebastian Church.

TAGS: Manila PIO, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, San Sebastian Church, sugatan sa Traslacion 2020, Manila PIO, pista ng Itim na Nazareno 2020, Quiapo Church, San Sebastian Church, sugatan sa Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.