Andas ng Poong Nazareno, nasa Gonzalo Puyat na

Kuha ni Fritz Sales

Patuloy ang mabilis na pag-usad ng andas ng Poong Itim na Nazareno.

Batay sa monitoring ng Quiapo Church, ang Imahen ng Poong Nazareno ay nasa Gonzalo Puyat na bago sumapit ang 6:00 ng gabi.

Ito ay ika-18 sa 23 ruta ng prusisyon.

Batay naman sa datos ng Manila Public Information Office (PIO) bandang 5:16 ng hapon, nasa 2.3 milyong deboto ang nakikiisa sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Samantala, nasa 145,000 katao naman ang nag-aabang sa Quiapo Church habang 105,000 ang nasa bahagi ng San Sebastian Church.

Read more...