Bilang ng naserbisyuhan ng PH Red Cross sa Traslacion 2020, halos 1,000 na

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 05:08 PM

Halos 1,000 na ang bilang ng mga naserbisyuhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa kasagsagan ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay PRC chairman at Senador Richard Gordon, nasa kabuuang 984 katao na ang kanilang naasistihan mula January 8 hanggang 4:00 ng hapon ng January 9.

Nasa 636 deboto ang nagpasuri ng blood pressure.

Samantala, nakapagtala rin ng 253 na minor cases habang 25 na major cases.

Aabot naman 14 pasyente ang kinailangang dalhin sa Ospital ng Maynila at Jose Reyes Memorial medical center bunsod ng hypertension, fracture, dislocation, fainting at nawalang ng malay.

41 katao naman ang nangailangan ng welfare assistance.

Pasado 4:00 ng hapon, nasa San Sebastian Church sa Hidalgo Street na ang andas ng Itim na Nazareno.

TAGS: Philippine red Cross, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020, Philippine red Cross, pista ng Itim na Nazareno 2020, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.