outbrain

Coco Martin, nagpasalamat sa Itim na Nazareno bunsod ng mga natatanggap na biyaya

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 04:56 PM SHARE(S):

Nagparating ng pasasalamat ang aktor na si Coco Martin sa Poong Itim na Nazareno.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post ng larawan ang aktor kung saan makikitang nagdarasal sa Quiapo Church.

Sa caption ng larawan, nagpasalamat si Coco sa Poong Jesus Nazareno dahil sa ibinibibigay na biyaya, pagmamahal at gabay sa kaniya at kaniyang pamilya.

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at pag gabay sa akin at sa aking buong pamilya,” ani Coco.

Sinabi pa nito na higit pa sa kaniyang kahilingan ang ibinigay ng Panginoon sa kaniya.

“Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon.
Maraming Maraming Salamat po Ama Jesus Nazareno,” ayon kay Coco.

Matatandaang dati nang ibinahagi ni Coco na nagsimula ang kaniyang debosyon sa Itim na Nazareno nang dalhin siya ng kaniyang lalo sa Quiapo Church.

TAGS: Coco Martin, Poong Jesus Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2020, Coco Martin, Poong Jesus Nazareno, Quiapo Church, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.