2 bangkay, natagpuan sa sinunog na sasakyan sa Quezon

By Angellic Jordan January 09, 2020 - 04:32 PM

Natagpuan ang dalawang bangkay sa sinunog na sasakyan sa Tiaong, Quezon Huwebes ng madaling-araw.

Ayon kay Tiaong police chief Police Maj. Lawrence Panganiban, nakatanggap sila ng tawag ukol sa insidente ng sunog sa isang tulay sa Barangay San Francisco bandang 1:45 ng madaling-araw.

Nang rumesponde, nakita ng mga otoridad na nasusunog ang Honda Civic na may plakang DND 6374.

Ayon pa kay Panganiban, nakuha sa loob ng sasakyan ang ID ni dating Batangas Rep. Edgar Mendoza.

Kinumpirma rin aniya ng pamilya ni Mendoza na sa dating mambabatas ang nasunog na sasakyan.

Patuloy pa naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: dating Batangas Rep. Edgar Mendoza, Quezon, sinunog ang sasakyan, tiaong, Tiaong police, dating Batangas Rep. Edgar Mendoza, Quezon, sinunog ang sasakyan, tiaong, Tiaong police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.