Andas ng Itim na Nazareno, nasa San Sebastian Church na
Dumating na ang andas ng Poong Itim na Nazareno sa bahagi ng Carcer Street.
Sa monitoring ng Quiapo Church, malapit na sa San Sebastian Church para sa tradisyunal na pagdungaw ng Mahal na Ina sa kaniyang Anak na Poong Hesus Nazareno bandang 4:00 ng hapon.
Ito ay ika-16 sa 23 ruta ng prusisyon.
Samantala, batay sa datos ng Manila Disater Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Incident Command Post bandang
3:11 ng hapon, nasa kabuuang 2,011,000 ang mga deboto na nakilahok sa prusisyon.
Nasa 7,000 katao naman ang nasa bahagi ng San Sebastian Church habang 140,000 katao sa Quiapo Church.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.