Palasyo, ikinagalit ang umano’y pagpatay kay dating Batangas Rep. Mendoza

Ikinagalit ng Palasyo ng Malakanyang ang umano’y pagpatay kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza.

Ito ay matapos mapag-alaman ang mga ulat na natagpuang patay si Mendoza kasama ang isang hindi pa nakikilalang biktima sa loob ng
sinunog na sasakyan nito.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ito ay isang “outrageous act of barbarism.”

Tiniyak ni Panelo sa pamilya ng mga biktima na mabibigyan ng hustisya at makukulong ang responsable sa nasabing karumal-dumal
na krimen.

“The perpetrators of this heinous crime will be pursued till they are placed behind bars. We assure the bereaved family of the deceased
that justice will be accorded by prosecuting the people behind this dastardly crime to the fullest extent of the law,” ani Panelo.

Nakiramay naman si Panelo sa mga naiwang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay ng dating mambabatas.

Read more...