LOOK: Mensahe ni Pangulong Duterte sa Pista ng Itim na Nazareno
Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na matutunan ang pagiging mahabagin at hindi makasarili.
Sa kaniyang mensahe sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno, sinabi ng pangulo na ang krus ng Panginoon ay hindi simbolo ng pagkatalo.
Sa halip, ang krus ng Panginoon at sugat na nagligtas sa atin ayon sa pangulo ay simbolo ng pagkapanalo.
Ito aniya ang makapangyarihang kahulugan ng Imahen ng Itim na Nazareno para sa mga Filipino at kasaysayan ng bansa.
Dahil dito, ayon sa pangulo, patuloy na tumitibay ang pananampalataya ng mga Filipino sa kabila ng mga pinagdaraanang problema sa buhay.
Sinabi pa nito na ang mga istorya ng himala sa nasabing mahalagang okasyon ang nagpapayabong ng religious at culture heritage sa bansa.
Hinikayat din ng pangulo ang mga Filipino na makipag-tulungan para maabot ang mas mabuting kinabukasan sa lahat ng mamamayang Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.