Mga labi ni Jeanelyn Villavende dumating na sa kanyang probinsya, hustisya hiling ng pamilya
Dumating na ang mga labi ng OFW na si Jeanelyn Villavende sa kanyang probinsya sa General Santos City.
Hustisya naman ang panawagan ng pamilya ng nasawing OFW na pinatay sa bugbog ng kanyang amo sa bansang Kuwait noong Disyembre.
Ayon kay aling Erlinda Indaya ang tiyahin ni Villavende, nais niyang mabitay ang mga amo ng pamangkin na kasalukuyang nakakulong dahil sa ginawang pagpatay.
Matatandaan na kamakailan lamang ay sinuspinde ang pagpapadala ng mga household workers sa Kuwait dahil sa insidente.
Ngayong buwan ng Enero ay magpupulong ang mga opisyal ng Pilipinas at Kuwait upang bumalangkas ng kontrata na magbibigay proteksyon sa mga Filipino workers sa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.