Van nahulog sa bangin sa Benguet, 1 patay, 11 sugatan

By Rose Cabrales January 09, 2020 - 12:09 PM

Patay ang isang lalaki habang nasugatan naman ang 11 iba pa matapos mahulog ang sinasakyan nilang van sa bangin sa bayan ng Tuba sa lalawigan ng Banguet, umaga ng Huwebes (January 9).

Nakilala ang nasawi na si Reynante Pig-ang Garcia, 41 taong gulang, isang trabahador na nakatira sa Pugo, La Union.

Ayon kay Jonathan Labutan, pinuno ng Municipal Disaster Risk, Reduction and Management Office, dead-on-the-spot ang ang biktima na nagtamo ng maraming sugat dahil sa aksidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang sinasakyan nilang Delica van mula sa Sitio Toybongan sa Barangay Tabaan Norte patungong Pugo.

Dinala sa Baguio General Hospital at Baguio Medical Center ang mga nasugatan.

TAGS: benguet, dead-on-the-spot, La Union, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nahulog sa bangin, Pugo, tuba, benguet, dead-on-the-spot, La Union, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nahulog sa bangin, Pugo, tuba

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.