Basurang nahakot sa kasagsagan ng Traslacion umabot na sa 70 tonelada

Iniulat ng Manila Department of Public Services na umabot na sa 68 hanggang 70 tonelada ng basura ang naipon sa Quirino Grandstand hanggang sa pag-usad ng Traslacion.

Ang dami ng basura ay katumbas ng 14 garbage trucks.

Nabatid na ang napa ulat na dami ng basura ay kasama na ang iniwan sa Luneta hanggang Ayala Bridge ng tinatayang higit dalawang milyong deboto na kasama sa Traslacion.

Samantala, sa hiwalay na ulat naman ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, 144 deboto na ang kanilang nabigyan ng atensyong-medikal.

Read more...