300,000 katao nakilahok sa Walk with Jesus procession sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 10:12 AM

Sa Cebu City naging payapa naman ang sitwasyon sa pagsisimula ng 9-day Novena Masses para sa selebrasyon ng Fiesta Señor sa Pilgrim Center ng Basilica Minore del Santo Niño.

Sa pamamagitan ng isang misa na idinaos ay nagbukas na ang selebrasyon 455th Fiesta Señor.

Ayon sa Cebu City Police Office umabot sa 300,000 katao ang nagtipun-tipon sa Fuente Osmeña para sa “Walk with Jesus” hanggang sa matapos ang misa.

Wala namang naitalang untoward incident sa aktibidad.

Sa January 19, 2020 ay idaraos ang High Mass sa naturang simbahan.

Kasabay din ito ng pagdaraos ng Sinulog Festival.

TAGS: Basilica Minore del Santo Niño, Cebu City, Fiesta Senor, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sinulog, Tagalog breaking news, tagalog news website, Basilica Minore del Santo Niño, Cebu City, Fiesta Senor, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Sinulog, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.