Plano sa pag-usad ng Itim na Nazareno nasunod ayon kay Mayor Isko Moreno

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 08:52 AM

Naaayon sa plano ang nagpapatuloy na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, simula sa tradisyonal na “Pahalik” hanggang sa kasalukuyang pag-usad ng prusisyon ay nasunod naman ng tama ang mga plano.

Kinumpirma din ni Moreno na pagdating ng Ayala Boulevard ay nai-turnover na sa mga deboto ang Andas at umalis na ang barikada ng mga pulis.

Sa kabila nito, sinabi ni Moreno na magpapatuloy ang tulong ng PNP hanggang sa matapos ang aktibidad.

Umaasa si Moreno na maagang matatapos ang prusisyon ng Itim na Nazareno.

Pinasalamatan din ni Moreno ang mga vendor dahil tumalima sa utos na huwag magtinda sa mga lugar na daraanan ng andas.

Nasa bahaging Rizal Park si Moreno umaga ng Huwebes (Jan.9) at tinitiyak na agad matatapos ang pagliligpit at paglilinis sa naiwang mga kalat sa Quirino Grandstand.

TAGS: andas, Black Nazarene, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020, andas, Black Nazarene, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.