Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna na nitong disqualification sa 3 kandidato at 17 partylist groups na umaasang makakatakbo sila sa May 2016 elections.
Sinabi ni Supreme Court spokesperson Atty. Theodore Te na ‘nuisance candidates’ ang deklarasyon ng korte sa mga kandidatong sina dating Presidential Commission on Good Government Chair Camilo Sabio at Vitaliano Acosta na tumatakbo bilang presidente sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan o KBL.
Disqualified na rin ang isang nagngangalang Gion Villamor Gounet na tumatakbo bilang seandor.
Bukod sa tatlo, labimpitong partylist groups din ang tuluyan nang na-disqualify sa nalalapit na eleksyon matapos ibaba ng SC ang ruling nito sa kani-kanilang apela.
Kabilang sa mga ito ang grupong:
Ang Bayaning Kawal at Pulis Incorporated (ABAKAP),
Alyansa ng Katutubong Pilipino (AKAP),
Association of Direct Vendors, Agents, Networking Circles,
Ang Siguro, Inc.,
Ating Aral Regional (NCR),
Angat Ahon Magsasaka, Inc. (AAM),
Entrepreneurs (ADVANCE),
Witnesses for a Transparent and Equitable Society,
Lingap Balen,
Sulong Katutubo,
Essential New Generation in Needs of Energy and Environment Resources, Inc. (ENGINEER),
Philippine Alliance for Responsible Trade by Nation Builders, Alliance of Public Transport Organization, Inc. (I-APTO),
Pilipinas Para sa Pinoy (PPP),
Chronic Kidney Disease (Ang CKD),
Women and Child Crime Abuse Assistance (WACCAA),
Isang Lapian ng Mangingisda at Bayan Tungo sa Kaunlaran (1-LAMBAT) United Women Against Poverty (UWAP).
Bukod dito, ibinasura rin ng Korte Suprema ang hiling ng isang grupo ng mga botante na mailagay sa balota ang mga katagang “None of the Above” at “The Above Only”.