Sitwasyon sa Traslacion 2020 nananatiling payapa ayon sa PNP

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa nagaganap na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PNP spokesman P/Brig. Gen Bernard Banac, makalipas ang apat na oras na pag-usad ng Traslacion ay payapa ang sitwasyon.

Wala aniyang naitatalang anumang untoward incidents maliban sa ilang insidente ng pagkahilo ng ilang deboto.

Samantala, bago pa man dumating ng Arlegui Street ibinigay na ng PNP sa mga ‘hijos’ ang pamamahala sa Andas.

Ito ay matapos gabayan ng nasa 3,000 police ang palibot ng Andas hanggang sa makarating sa Ayala Boulevard.

Dahil sa pagbabantay ng PNP ay bumilis ang usad ng Andas at mabilis nakarating ng Ayala Bridge.

Ayon kay Banac mananatili namang nakapakalat sa buong Maynila ang 13,000 pulis para magtiyak ng seguridad.

Read more...