Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 06:54 AM

Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ay nasa 204.39 meters na ang antas ng tubig ng dam.

Tumaas ito kumpara sa 204.28 meters na water level kahapon.

Samantala, wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 101.08 meters, habang ang La Mesa dam ay bahagyang nadagdagan at nasa 77.76 meters na.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water supply. dam status, Inquirer News, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water supply. dam status

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.