7 arestado sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Taguig

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 06:43 AM

Arestado ang pitong katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Taguig.

Sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Lower Bicutan, naaresto ang apat na suspek matapos makuhanan ng 21 sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot ito sa 32 gramo na nagkakahalaga ng P217,600.

Samantala sa Barangay Central Bicutan, isang 59 anyos ang naaresto din sa ikinasang buy-bust operation.

Nakuhanan ang lalaki ng 6 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P115,600 ang halaga.

Samantala, sa ikatlong operasyon, naaresto ang isang 27 anyos na babae at 41 anyos na kasama nito.

Aabot sa P76,160 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa kanila

Tinatayang P400,000 ang halaga ng lahat ng ilegal na droga na nakumpiska sa tatlong operasyon.

TAGS: 7 arrested, buy bust operation, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, 7 arrested, buy bust operation, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.