Andas ng Itim na Nazareno nasa Ayala Boulevard na

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 07:01 AM

Naging mabilis ang pag-usad ng Andas ng Itim na Nazareno.

Alas 4:17 ng madaling araw nang umalis sa Quirino Grandstand ang Andas at sa ngayon ay tatlong oras nang umuusad ang prusisyon.

Bago mag alas 6:00 ng umaga, ay nakatawid na sa Taft Avenue ang Traslacion at patungo na ng Ayala Bridge.

Pagsapit ng alas 6:35 ng umaga tumatawid na ng Ayala Bridge ang Andas.

Mula Ayala Blvd ay liliko ang Andas sa Palanca Street at saka tutungo sa Quezon Blvd

Target ng pamunuan ng Quiapo Church na makabalik ang Andas ng Itim na nazareno sa Simbahan alas 6:00 ng gabi mamaya. (END)

TAGS: Black Nazarene, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020, Black Nazarene, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.