US magpapatupad ng dadgag na sanctions laban sa Iran

By Dona Dominguez-Cargullo January 09, 2020 - 05:58 AM

Matapos ang ginawang pag-atake sa US military bases sa Iraq magpapatupad ang US ng dagdag na sanctions laban sa Iran.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni US President Donald Trump na habang pinag-aaralan nila ang magiging hakbang sa ginagawa ng Iran, magpapatupad na ng dagdag na powerful economic sanctions ang Amerika laban sa naturang bansa.

Mananatili aniya ang sanctions hangga’t hindi nagpapakita ng maayos na behavior ang Iran.

Ayon pa kay Trump, hangga’t siya ay nananatiling pangulo ng US, hindi papayagan ang Iran na magkaroon ng nuclear weapons.

Ibinalita rin ni Trump na lahat ng sundalo ng Amerika ay ligtas sa ginawang pag-atake ng Iran sa US military bases.

Minor damages lamang aniya ang tinamo ng US bases dahil maaga itong napaghandaan at gumana ang kanilang early warning system.

Sa huli sinabi ni Trump sa mga mamamayan ng Iran na handa ang US na mag-alok ng kapayapaan sa lahat ng magnanais nito.

TAGS: donald trump, Inquirer News, iran attacks, missile attacks, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, donald trump, Inquirer News, iran attacks, missile attacks, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.