Passenger volume sa LRT-1 inaasahang tataas ngayong araw
Inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa Light Rail Transit Line (LRT-1) ngayong araw dahil sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.
Sa abiso ng LRT 1, pinayuhan ang commuters na maglaan ng mas mahabang travel time dahil sa dagsa ng mga pasahero partikular sa United Nations, Central, Carriedo at Doroteo Jose.
May ilang paalala naman ang linya ng tren para sa mga deboto ngayong araw:
– Papayagan ang pagsakay nang nakapaa
– Tulad ng ordinaryong araw, bawal ang pagdadala ng matutulis na bagay, mga baril at bala
– Mahigpit na ipatutupad ang ‘no inspection, no entry’ policy
– May ipakakalat na karagdagang Red Cross volunteer at may ambulansya ring ilalagay sa Carriedo station para sa mga mangangailangan ng atensyong medikal
Nagsimula na ang Traslacion ng poon 4:16 kaninang umaga sa Quirino Grandstand at magtatapos ito sa Quiapo Church na malapit sa Carriedo Station ng LRT-1.
Inaasahang nasa anim na milyong deboto ng Itim na Nazareno ang lalahok sa Traslacion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.