Mga labi ng Pinay OFW na pinatay sa Kuwait naiuwi na sa bansa
Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng pinaslang na Pinay household worker sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), dumating ang mga labi ni Villavende sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Miyerkules ng hapon.
Nakapulong ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pamilya ng napaslang na Pinay worker ilang oras bago dumating ang kanyang mga labi.
Ayon sa DFA, nagbigay ang gobyerno sa pamilya ng financial assistance na aabot sa P100,000.
Kumuha rin umano ang kagawaran ng ‘top-notch’ na criminal lawyer sa Kuwait para panagutin ang mga pumaslang kay Villavende.
Ang employer ng Pinay worker at asawa nito na sinasabing nasa likod ng krimen ay nananatili umanong nakakulong sa Kuwait.
Ang pagkamatay ni Villavende ay nagbunsod para magpatupad ng partial ban sa deployment ng household service workers sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.