M3.3 na mga lindol naitala sa Sarangani at Negros Oriental
Parehong niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang mga bahagi ng Sarangani at Negros Oriental Huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, alas-12:29 tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa layong 16 kilometro Hilagang-Kanluran ng Malungon, Sarangani.
May lalim itong 23 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon.
Ala-1:26 ay tumama rin ang kaparehong lakas ng lindol sa layong 17 kilometro Hilagang-Kanluran ng Dauin, Negros Oriental.
May lalim itong apat na kilometro.
Naitalang Instrumental Intensity II sa bayan ng Sibulan.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.