Duterte nilagdaan na ang Salary Standardization Law of 2019

By Rhommel Balasbas January 09, 2020 - 04:01 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Salary Standardization Law (SSL) of 2019 na layong itaas ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Inilabas ng Palasyo ng Malacañang ang mga larawan sa paglagda ng pangulo sa SSL Miyerkules ng gabi.

Ang mga empleyado na may Salary Grades 10 hanggang 15 ang makatatanggap ng pinakamataas na umento na aabot ng 20 hanggang 30 percent.

Ang mga nasa SG 25 hanggang 33 naman ang may pinakamababang taas-sweldo na tatanggap lang ng 8 percent increase.

Kabilang sa mga pinakamakikinabang sa SSL ay ang public school teachers.

Ang salary adjustment ay ipatutupad ng apat na bugso at sisimulan na ngayong January 2020 at magtatapos sa 2023.

Nasa kabuuang P34.2 bilyon ang inilaan sa ilalim ng 2020 natonal budget para sa unang bugso ng implementasyon ng SSL.

Hindi naman kasama sa umento sa sahod ang pangulo, Vice President Robredo at mga kasalukuyang senador at kongresista.

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, Salary Standardization Law (SSL) of 2019, umento sa sahod, Pangulong Rodrigo Duterte, Salary Standardization Law (SSL) of 2019, umento sa sahod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.