Traslacion ng Itim na Nazareno nagsimula na
Nagsimula nang umusad ang andas ng Poong Itim na Nazareno pasado alas-4:00 ng umaga.
Ito ay matapos ipatupad ang pagbabago sa iskedyul kung saan ang Panalangin sa Umaga ay sinimulan bandang alas-3:50 ng umaga.
Sa monitoring ng Radyo INQUIRER, umusad ang andas ng Nazareno alas-4:16 ng umaga.
Tuloy-tuloy at mabilis sa ngayon ang usad ng Nazareno at patungo na malapit sa Manila Hotel.
Iwinawagayway ng mga deboto ang kanilang mga puting panyo habang inaawitan ang poon.
Nartio ang ruta ng Traslacion ngayong taon:
Narito ang magiging ruta ng Traslacion ayon sa MMDA:
– Quirino Grandstand
– Katigbak Road thru Padre Burgos St.
– Finance Road thru Ayala Blvd.
– Palanca St.
– Quezon Blvd.
– Arlegui St.
– Fraternal St.
– Vergara St.
– Duque de Alba St.
– Castillejos St.
– Farnecio St.
– Arlegui St.
– Nepomuceno St.
– Concepcion Aguila St.
– Carcer St.
– Hidalgo thru Plaza del Carmen
– Bilibid Viejo thru Gonzalo Puyat
– J.P. De Guzman St.
– Hidalgo St.
– Quezon Blvd.
– Palanca St. thru under Quezon Bridge
– Villalobos thru Plaza Miranda
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.