Singil sa kuryente ng Meralco bababa ngayong Enero
Magandang balita!
Bahagyang bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong unang buwan ng taon.
Sa anunsyo ng electric company, P0.41 per kilowatt hour (kWh) ang tapyas ngayong Enero.
Katumbas ito ng P82 na bawas para sa mga bahay na kumokonsumo ng 200 kWh; P123 para sa kumokonsumo ng 300 kWh; P164 sa kumokonsumo ng 400 kWh; at P205 sa kumokonsumo ng 500 kWh.
Ayon sa Meralco, ang bawas-singil at bunsod ng pagbaba ang generation charge, transmission charge at iba pang taxes.
Hindi nakaapekto ang bentahan ng kuryente sa spot market dahil sa yellow alerts.
Sa ngayon ay wala rin umanong epekto ang lumalalang tensyon sa Middle East.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.