PH Embassy sa UAE handa na ring ilikas ang mga Pinoy

By Rhommel Balasbas January 09, 2020 - 03:08 AM

Handa na rin ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates (UAE) na ilikas mula sa emirates ang Filipino workers na posibleng maapektuhan ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Sa pahayag ng embahada Miyerkules ng gabi, tiniyak na handa ang gobyerno para sa repatriation.

Nagbigay ang embahada ng contact information kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW.

Pinayuhan ang mga ito na manatiling mapagmatyag, maingat at alamin ang sitwasyon sa lahat ng pagkakataon.

Una nang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na tutungo si Labor Usec. Claro Arellano ng UAE para sa repatriation ng mga Filipino.

Ang tensyon sa Middle East ay bunsod ng pagkamatay ni top Iranian general Qasem Soleimani sa drone strikes ng US sa Baghdad airport.

Bunsod nito, nangako ang Iran na maghihiganti at kahapon lamang ay nagpakawala ng higit isang dosenang missiles sa US forces na nakabase sa Iraq.

TAGS: mandatory repatriation, Philippine Embassy, United Arab Emirates (UAE), US-Iran tensions, mandatory repatriation, Philippine Embassy, United Arab Emirates (UAE), US-Iran tensions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.