Deboto nabiktima ng pandurukot sa labas ng Quiapo Church

File photo

Nadukutan ng pitaka ang isang deboto sa labas ng Quiapo Church matapos ang misa Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng Manila Public Information Office, naramdaman ng biktimang si Karen Salandanan na may gumigitgit sa kanyang bag na nakasabit sa likod.

Nang lingunin ang bag, laking gulat ni Salandanan na bukas na ito.

Nakita niya anya ang isang babaeng nakaputing t-shirt na tumatakbo papalayo matapos ang insidente.

Kabilang sa mga nakuha umano sa kanya ay P10,000 cash, lisensya at iba pang identification cards.

Read more...