Higit 148,000 dumagsa sa Quirino Grandstand bago ang vigil mass para sa Traslacion 2020
Dumagsa ang higit 148,000 katao sa Quirino Grandstand Miyerkules ng gabi bago ang pagsisimula ng vigil mass para sa Traslacion.
Ang crowd estimate ay batay sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Wala rin umanong untoward incident na naitala hanggang alas-11:15 ng gabi.
Samantala, nasa 3,000 katao naman ang naitala sa paligid ng Quiapo Church.
Ang misa kaninang hatinggabi sa Quirino Grandstand ay pinangunahan ni Minor Basilica of the Black Nazarene Rector and Parish Priest Msgr. Hernando Coronel at homilist si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Tuloy-tuloy naman ang programa sa grandstand ngayong magdamag kung saan kabilang sa mga nagtanghal kanina ay ang devout Catholic at Queen of Comedy na si Ai-ai delas Alas.
Mamayang alas-5:00 ng umaga, isang morning prayer ang idaraos at agad na susundan ng Traslacion alas-5:30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.