160 dayuhang sex offenders, napigilang makapasok ng Pilipinas sa taong 2019 – BI

Napigilan ng Bureau of Immigration na makapasok ng bansa ang mahigit 160 dayuhang sex offenders sa nagdaang 2019.

Batay sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni BI port operations division chief Grifton Medina na mas mataas ang nasabing bilang ng registered sex offenders (RSOs) kumpara sa naitalang 145 na dayuhan noong 2018.

Ani Medina, agad pinababalik ang mga RSO na naharang sa mga paliparan.

Mabilis aniya ang aksyon ng ahensya para maiwasang makapasok ng bansa ang dayuhang may kinakaharap na kaso sa ibang bansa.

Pinakamaraming nahuling dayuhan ay Amerikano na umabot sa 128.

Sumunod ang 11 British nationals, anim na Australians, apat na Chinese at dalawang dayuhan mula sa New Zealand.

Mayroon ding nahuling Cameroonian, Canadian, German, Guatemalan, Irish, Korean, Malaysian, Russian, at Taiwanese.

Samantala, nangako si Morente na ipagpapatuloy ng ahensya ang mandato na harangin ang RSOs sa bansa.

Read more...