Mga LGU, ipinag-utos ng DILG na asistihan ang mga pauwing Filipino mula sa Middle East
Nagbaba ng direktiba si DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government unit (LGU) na asistihan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na pauwi mula sa Gitnang Silangan.
Ito ay bunsod ng tumitinding tensyon sa nasabing rehiyon.
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Año na dapat tulungan ang mga OFW dahil biglaan ang kanilang pag-uwi ng bansa.
Matatandaang itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Iraq.
Dahil dito, ipinag-utos na ang mandatory repatriation sa mga Filipinong nananatili sa nasabing bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.