Philippine Red Cross, handa na para sa Traslacion 2020
Handa na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Huwebes, January 9.
Ayon sa PRC, nakaalerto na ang kanilang volunteers, staff at iba pang asset para umasiste sa mga makikiisa sa pista.
Aabot anila sa mahigit 1,000 staff at volunteers ang nakatalaga, 51 ambulansya at 13 first aid stations and welfare desks.
Maliban dito, nakahanda na rin ang isang emergency medical unit, tatlong rescue boats, isang amphibian vehicle at isang advanced medical post.
Inaasahang aabot sa mahigit anim na milyong deboto ang lalahok sa Traslacion sa taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.