Rotating brownout, nakakaapekto sa Davao City

 

Inquirer file photo

Nakakaranas ng 3 hanggang 4 na oras na rotataing brownout ang ilang Davao City.

Ayon kay Ross Luga, assistant vice president ng Davao Light and Power Company, ito’y dahil sa epekto ng El Niño at maintenance ng isa sa mga coal-fired power plant sa lungsod.

Tatlong oras na nakakaranas ng power interruption ang lungsod habang peak hours sa pagitan ng 8 am at 9 pm samantalang isang oras naman ang brownout kapag off peak sa pagitan ng 9 pm at 7 am.

Paliwanag nito, dumadaan sa pitong araw na service maintenance ang TSI coal fired power plant na pag-aari ng Aboitiz.

Dahil sa pagsasara nito, nabawasan ng 150 megawatts ang suplay ng power ng Mindanao gird.

Gayunman, sinabi ni Luga na kanilang sinisikap nang kontrolin ang epekto ng service maintenance.

Ngunit dumadating aniya ang panahon na sadyang kinukulang ng suplay ng kuryente kaya’t nagkakaroon ng rotating brownout sa lungsod.

Read more...