Aabot sa 176 pasahero at crew members ang lulan ng eroplano kung saan karamihan ay Iranian.
Batay sa ulat, nag-crash ang Boeing 737-800 jet matapos mag-takeoff sa Imam Khomeini International Airport.
Ayon sa mga otoridad, posibleng mechanical problem ang sanhi ng aksidente.
Sinabi naman ni civil aviation spokesman Reza Jafarzadeh na patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pinangyarihan ng aksidente.
MOST READ
LATEST STORIES