Construction worker patay matapos makuryente sa lalawigan ng Quezon

Nasawi ang isang construction worker matapos makuryente sa street light sa Lucena City, Quezon Province, bandang alas-9 ng gabi ng Martes (January 7).

Nakilala ang biktima na si Albert Liop, 34 taong gulang at residente ng Barangay Angeles.

Base sa imbestigasyon ng Atimonan police pauwi na ang biktima nang aksidenteng mahawakan ang live wire sa street light ng kanilang barangay.

Agad namang isinugod ang biktima ng kanyang mga kapamilya sa Doña Martha Memorial District Hospital pero nasawi na ito bago pa man dumating ng ospital dahil sa insidente.

Read more...