Mataas na ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte idiniin ni Sen. Tito Sotto sa drug report ni VP Leni Robredo

By Jan Escosio January 08, 2020 - 11:44 AM

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ang mataas na trust at approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ay patunay ng pagsang-ayon ng taumbayan sa kanyang mga programa, kasama na ang kampaniya kontra droga.

Ito ay patunay na mali ang pahayag na malaking kabiguan ang ikinakasang war on drugs.

Paliwanag pa ni Sotto hindi naman nakakasama sa mga surveys ang mga tao na naiiwas sa paggamit at epekto ng droga.

Diin ng senador ang katotohanan ay ang kuwento ng mga pamilya at pagbabago sa mga komunidad.

Aniya noon takot ang mga tao sa adik ngayon ang mga gumagamit na ng droga ang natatakot.

Sabi pa ni Sotto ang problema sa droga ay hindi maaring sukatin o ipaliwanag ng mga datos lang dahil ito ay hindi lang nakabase sa mga numero.

TAGS: drug report, Rodrigo Duterte, Vicente Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs, drug report, Rodrigo Duterte, Vicente Sotto III, VP Leni Robredo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.