Globe at Smart naglabas na ng abiso sa ipatutupad na service interruption para sa Traslacion

Nagpalabas na ng abiso ang Smart at Globe para sa ipatutupad na service interruption para sa Traslacion 2020.

Ayon sa Smart at Globe tatalima sila sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na pansamantalang magpatupad ng shut down sa mobile phone services.

Dahil ditot, simula bukas lalo na sa kasagsagan ng aktibidad para sa Traslacion 2020 ay mawawalan ng signal ang Globe, Smart, TNT at Sun sa ilang lugar.

Partikular dito ang palibot ng Quiapo Maynila at sa mga rutang daraanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Mayroon ding mga lugar sa Quezon City, Mandaluyong, Makati at iba pang kalapit na lugar na mawawalan ng signal habang nangyayari ang prusisyon.

Read more...