BRP Gabriela Silang gagamitin para iuwi ang mga OFW mula Middle East
Bago pa man makarating sa bansa ang bagong offshore patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Gabriela Silang, gagamitin muna ito para ilikas ang mga Overseas Filipino Workers mula sa Middle East.
Ang BRP Gabriela Silang ay umalis sa France noong December 30, 2019 at kasalukuyang nagllayag patungo sa Pilipinas. Nakatakda sana itong dumating sa bansa sa February 10, 2020.
Pero dahil sa tumitinding sitwasyon sa pagitan ng US at ng Iran na maaring makaapekto sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan, ipinagpaliban muna ang paglalayag nito patungong Pilipinas.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), base s autos ni Transportation Secretary Arthur Tugade, mula sa Malta Freeport kung saan nakadaong ngayon ang BRP Gabriela Silang ay maglalayag ito patungong Oman o kaya ay sa Dubai.
Ito ay para ihanda ang barko na mayroong 25 mga crew para ilikas ang mga OFWs kung kakailanganin.
Ang mga ililikas na OFW ay dadalhin sa ligtas na pantalan kung saan mula doon ay maari naman silang isakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas.
Ang 83.6-meter Offshore Patrol Vessel (OPV) ay ang pinakamalaki at most advanced aluminum hull at kayang magsakay ng hanggang 500 katao.
Samantala, nakatakda ring mag-deploy ang coast guard ng 18 pang dagdag na crew members sa BRP Gabriela Silang para tumulong sa operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.