Paglipad ng passenger airlines at civilian aircraft sa Persian Gulf, Oman Sea, Iraq at sa Iran ipinagbawal ng FAA
January 08, 2020 - 10:27 AM
Ipinagbawal muna ng US Feral Aviation Administration ang paglipad ng eroplano sa Persian Gulf, Oman Sea, Iraq at sa Iran.
Ito ay para maiwasan na maging target ng Iran ang mga non-military US aircraft.
Sakop ng pagbabawal ang mga American passenger airlines at civilian aircraft.
Sa inilabas na NOTAM o notice to airmen nakasaad na patuloy na babantayan ng FAA ang sitwasyon sa Gitnang Silangan.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng FAA sa national security partners nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.