Hindi na magsasagawa ng public address si US President Donald Trump kasunod ng pag-atake ng Iran sa US Military Base sa Iraq.
Pahayag ito ng White House, taliwas sa unang napaulat na haharap sa publiko si Trump.
Una rito ay nagkaroon na ng preparasyon ang White House at mga aide para sa public address ng US President.
Sa ngayon si Trump ay nasa White House Situation Room at hindi na magsasalita.
Sina US Vice President Mike Pence, ang mga top security officials ng Amerika kabilang si Secretary of State Mike Pompeo at Defense Secretary Mark Esper ay nakaalis naman na sa White House.
READ NEXT
WATCH: Akyat-bahay na nanloob sa mga kapitbahay ni San Juan Mayor Francis Zamora sa Greenhills, arestado na
MOST READ
LATEST STORIES