Trump hindi na magsasagawa ng public address ngayong araw kasunod ng pag-atake ng Iran sa US military base sa Iraq
Hindi na magsasagawa ng public address si US President Donald Trump kasunod ng pag-atake ng Iran sa US Military Base sa Iraq.
Pahayag ito ng White House, taliwas sa unang napaulat na haharap sa publiko si Trump.
Una rito ay nagkaroon na ng preparasyon ang White House at mga aide para sa public address ng US President.
Sa ngayon si Trump ay nasa White House Situation Room at hindi na magsasalita.
Sina US Vice President Mike Pence, ang mga top security officials ng Amerika kabilang si Secretary of State Mike Pompeo at Defense Secretary Mark Esper ay nakaalis naman na sa White House.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.