Iran nagbantang bobombahin din ang US, UAE at Israel kapag gumanti ang Amerika

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2020 - 09:52 AM

Nagbabala ng mas matinding pag-atake ang Iran sa sandaling gumanti ang US sa ginawang pagpapasabog sa military bases sa Iraq.

Sa pahayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps, nagbanta ito na kung gaganti ang US sa ginawang serye ng missile attacks ng Iran ay aatakihin na rin nila mismo ang Amerika.

Dagdag pa ng IRGC, handa rin silang maglunsad ng pag-atake sa Dubai, UAE atsa Haifa, Israel.

Sa ngayon wala pang tugon ang US sa ginawang pag-atake ng Iran sa pinakamalaking US military base sa Iraq.

Ayon sa Pentagon patuloy ang assessment nila sa pinsala ng airstrikes.

TAGS: breaking news in Philippines, Inquirer News, Iran, iran and us war, Iraq, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, breaking news in Philippines, Inquirer News, Iran, iran and us war, Iraq, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.