WATCH: Pila ng mga deboto para sa tradisyonal na “Pahalik” sa Itim na Nazareno

By Ricky Brozas January 08, 2020 - 09:33 AM

Tuluy-tuloy ang pila ng mga deboto sa Quirino Grandstand para sa tradisyonal na “Pahalik” sa imahen ng Itim na Nazareno.

Sa datos ng Philippine Red Cross, alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 8 ay umabot na sa mahigit 1,700 ang bilang ng mga nakapilang deboto.

Patuloy naman ang mahigipit na pagbabantay ng mga otoridad sa Quirino Grandstand.

Mayroon nang 541 na mga pulis at iba pang augmentation forces ang nakapakalat sa lugar at nakapalibot sa pila ng mga deboto.

Mayroon ding nag-iikot na K9 units.

TAGS: Black Nazarene, breaking news in Philippines, Inquirer News, pahalik, PH news, Philippine News, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Black Nazarene, breaking news in Philippines, Inquirer News, pahalik, PH news, Philippine News, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.