Business one-stop shop ng Manila City Hall sa SM Manila, sarado muna bukas

Sarado muna bukas (Jan. 9) ang business one-stop shop ng Manila City Hall sa SM Manila.

Ito ay dahil sa magaganap na Traslacion para sa kapistahan ng Black Nazarene.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa January 10 muling magre-resume ang operayson ng one-stop shop.

Payo naman ni Moreno sa mga negosyante sa Maynila huwag nang hintayin ang January 31 na deadline para mag-apply o i-renew ang business permit.

Una rito ay sinuspinde ni Moreno ang pasok sa trabaho bukas sa Manila City Hall at mga tanggapan na nasa ilalim ng city government ng Maynila.

Read more...