Daan-daang mga hindi lisensyadong chainsaw isinuko sa Cagayan Police
Halos 500 hindi lisensyadong chainsaw ang isinuko sa pulisya sa Cagayan.
Ayon sa datos ng Provincial Information Office ng Cagayan, umabot sa 490 na chainsaw ang isinuko sa pagitan ng December 6, 2019 at January 6, 2020.
Ayon kay Cagayan Police Provincial Office Director P/Col Ariel Quilang, ang pagsuko sa mga chainsaw ay bahagi ng Oplan Tambuli.
Bawat bayan sa Cagayan ay hinihikayat ng mga pulis na isuko ang mga walang permit na chainsaw.
Pinakamaraming isinuko ay sa bayan ng Lal-lo na umabot sa 176 at sa Lasam na umabot sa 142.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.