Ganti ng Iran nagsimula na; pinakamalaking US military base sa Iraq pinaulanan ng bomba

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2020 - 07:54 AM

Sinimulan na ng Iran ang paghihiganti nito sa Amerika matapos ang pagkasawi sa airstrike ng mataas na opisyal nila na si Gen. Qassem Soleimani.

Magkakasunod na airstrike ang bumagsak sa Ain al-Assad military base kung saan naroroon ang mga sundalo ng Amerika.

Ayon sa ulat ng Iran News Agency na Fars News Agency, inako ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iraq ang responsibilidad sa pag-atake.

Makikita sa video na inilabas ng Fars ang magkakasunod na airstrike sa American base.

Ang Al-Assad Base ang pinakamalaking US military base sa Iraq na matatagpuan sa al-Anbar province.

TAGS: al-Anbar province, al-Assad military base, breaking news in Philippines, Inquirer News, Islamic Revolutionary Guard Corps, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Military Base, al-Anbar province, al-Assad military base, breaking news in Philippines, Inquirer News, Islamic Revolutionary Guard Corps, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US Military Base

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.